Friday, November 21, 2014

Ikatlong Linggo

Balik-Aral
       Ang aming guro na si Gng. Mixto ay muli ng nagbalik mula sa isang linggo seminar ng mga tagapayo ng publikasiyon sa bawat paaralan.
       Sa kaniyang pagbalik, muli naming  binalikan ang aralin patungkol sa paghahambing. Bagaman amin na itong napagaralan, amin parin itong tinalakay para sa ilan pang karagdagan mula sa aming guro. Upang subukin ang aming natutunan ukol rito, nagsagawa kami ng pagsasanay kungsaan kailangan namin bumuo ng pangungusap gamit ang mga salitang naglalarawan.
       Pagkatapos ng talakayan sa paghahambing, amin muling sinariwa ang kuwento nina Rama at Sita. Nagbigay ng ilang katanungan si Gng. Mixto kaugnay rito. Halos lahat ng aking kaklase ay nakarelate sa mga tanong , marahil meron na silang karansan sa mga iyon.
       


Friday, November 14, 2014

Ikalawang Linggo

Balik-Aral

   Ikalawang linggo para sa ikatlong markahan. Wala ang aming guro na si Gng. Mixto sa kadahilanang mayroon syang dapat na asikasuhin kungkaya't si Bb. Basbas ang itinalagang mag turo sa kanyang mga klase, ngunit dahil si Bb. Basbas ay may masamang pakiramdam sa araw na iyon, ang aming kaklase na si Trixie Usa ang pansamantalang naging guro o STUDENT TEACHER upang sagayon ay hindi kami mahuli sa mga aralin.
      Sa linggong ito, sinimulan na namin ang talakayan para sa panibago nanamang aralin, ang PAGHAHAMBING. Ang paghahambing ay ginagamit upang malaman ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bagay na pinaghahambingan. Upang mapalawak, inalam rin namin ang mga uri nito.
      Sinubukan ang aming mga natutunan nang binigyan kami ng gawain.

Saturday, November 8, 2014

Unang Linggo

Balik-Aral
      
Unang Aralin para sa ikatlong modyul. Medyo naninibago dahil ibang iba ito sa mga nakalipas na aralin. Marahil katangi-tangi ang kulturang India kumpara sa iba. Ngunit sa kabila nito, ako’y namangha sa kanilang likhang Epiko dahil bukod sa napakagandang Konsepto nito, ito’y binubuo ng  124, 000 sunskrit o Kabanata. Paniguradong hindi ito mababasa ng ilang araw, buwan o maging taon dahil sa pagkahaba nito. Kungkaya’t isa lamang sa mga kabanata ang aming natalakay.
           Ito’y pumapatungkol sa pagiibigan nina Rama at Sita na parang wala ng bubuwag sa napakatibay nilang samahan sa kabila ng mga problema at mga pasakit na kanilang dinaranas. Kasama si Lakshamanan na kapatid ni Rama at Karibal na si Ravana at ang kapatid nitong si Surpanaka.
        Para sa buong Kopya, pumunta sa:




Panimula :D

        Napakasarap isipin na sa bawat aralin noong ikalawang markahan ay nalaman natin kung gaano kayaman ang Silangang Asya sa lahat ng aspeto. Galak na galak na ako dahil tayo’y muling lalakbay sa ibang dako naman ng Asya, ang Timog Asya.

Sunday, October 26, 2014

Takdang Aralin # 1

“Katabi sa Upuan, Katabi sa pangangailangan.”
       Sa mahigit tatlompung buwan kong pamamalagi sa loob ng paaralan, simula ng ako’y nasa ikapito baitang  hanggang ngayong sa  pagtungtong ko sa ika siyam na baitang, siguro hindi ko na mabilang ang aking mga naging kaibigan. Napakarami man nila, ngunit may mas namumukod tangi.
       Parang sa bawat asignatura , may iba’t iba kaming Sitting Arrangement o yung ayos ng aming mga upuan. Pag sinabi ng aming Guro na pagbabasihan daw sa Alphabetical Order, naku parang kilala ko na ang aking magiging katabi. Si ate Jennica Legados. Siya ang aking katabi sa upuan sa Asignaturang Filipino (lagi naman) at napakasuwerte ko dahil doon. Paano ko nasabi? Marahil dahil sa tuwing may mga pagsusulit, siya ang lagi kong napagtatanungan lalo na’t pag ilang araw akong hindi nakapasok sa aking klase dahil sa mga iba pang kadahilanan. Lugi naman siya kung wala akong maitutulong sa kanya, ,siyempre meron rin naman siyang benepisiyo sa akin. 
        Siyempre kapag ako naman ay may problema na hindi ko malutas-lutas, nariyan siya upang tumulong at umagapay. 
        Takdang Aralin namin ay ang ilarawan ang aming katabi ngunit sa isinulat kong ito ay hindi pa lubos na nailarawan ang kabuuan kung kaya’t bilang karagdagan, ilalarawan ko siya bilang isang mabait, masiyahin, matalino, simple sa lahat, mapamaraan, at makadiyos na kaibigan. Si ate Jennica na aking kaibigan.


           


            


Saturday, October 25, 2014

Wika nga nila…




Film Entry ng Mambugan National High School
Tema: Filipino: Wika ng Pagkakaisa

Cast:
Jelica Cinto bilang Malaya Dela Cruz
Trixie Usa bilang Theresa Villaflor
Kathleen Sarsagat bilang Mariela De Guzman
Marjorie Capendit bilang Karen Bicaldo
Angelika Iwag bilang Darla Aquino
Erin Joy Monteagudo bilang Bb. Susan Rivero

Production Staff:
Harvey Sallador - Director
Mark Marasigan - Asst. Director
James A. Gallardo - Editor
Trixie Usa at Camille Ann Viva - Writer

Gng. Marvilyn B. Mixto

Gurong Patnugot

Thursday, October 23, 2014

Klasrum - Magasin ng Pangkat 3

Kasalukuyan ng ipinagbibili sa iba't ibang Suking Tindahan sa inyong lugar! ^-^