Friday, November 21, 2014

Ikatlong Linggo

Balik-Aral
       Ang aming guro na si Gng. Mixto ay muli ng nagbalik mula sa isang linggo seminar ng mga tagapayo ng publikasiyon sa bawat paaralan.
       Sa kaniyang pagbalik, muli naming  binalikan ang aralin patungkol sa paghahambing. Bagaman amin na itong napagaralan, amin parin itong tinalakay para sa ilan pang karagdagan mula sa aming guro. Upang subukin ang aming natutunan ukol rito, nagsagawa kami ng pagsasanay kungsaan kailangan namin bumuo ng pangungusap gamit ang mga salitang naglalarawan.
       Pagkatapos ng talakayan sa paghahambing, amin muling sinariwa ang kuwento nina Rama at Sita. Nagbigay ng ilang katanungan si Gng. Mixto kaugnay rito. Halos lahat ng aking kaklase ay nakarelate sa mga tanong , marahil meron na silang karansan sa mga iyon.
       


No comments:

Post a Comment