Balik-Aral
Ngayong linggo, may mga araw na ako at iba ko pang mga kaklase na kabilang sa pangangampanya para sa SSG ay hindi nakapasok sa aming klase. Pero sa kabila noon, nalaman ko ang kanilang mga naging talakayan.
Ngayong linggo, may mga araw na ako at iba ko pang mga kaklase na kabilang sa pangangampanya para sa SSG ay hindi nakapasok sa aming klase. Pero sa kabila noon, nalaman ko ang kanilang mga naging talakayan.
Sa unang araw ng linggo,
batay sa aking mga kaklase, kanilang ipagpatuloy ang naiwang katanungan noong
nakaraang linggo at ito ay kung biktima ba si Crisostomo Ibarra ng pagkakataon.
Batay sa sarili kong opinyon, tama na si Ibarra ay biktima lamang ng pagkakataon,
dahil sa sinasabi sa nobelang Noli Me
Tangere na ang pagtutol ni Padre Damaso sa pagiibigan nina Ibarra at Maria
Clara ay sa kadahilanan na ama ni Crisostomo si Don Rafael na lubos nitong
kinaiinggitan. Kung hindi naging ama ni
Ibarra si Don Rafael, hindi siguro uusbong ang galit ni Padre Damaso sa kanya.
Pagkatapos, sila’y nagsagawa ng isang “Mock Trial”. Ang aking mga
kamag-aral na nag-ala Abogado ay nagbahagi ng kanilang mga tanong dahil bahagi
ito sa paglilitis kina Ibarra at Elias sa ginawa nilang pagtakas na ginampanan
naman ng mga pili kong kamag-aral. Kasunodnito ang isang
pagsusulit na kungsaan kailangang ibigay ang mga kabanata na may kaugnayan kay Crisostomo bilang isang
tapat na mangingibig at ang kanyang mga hangarin.
No comments:
Post a Comment