Si Mam
Unang hakbang pa lamang niya sa silid-aralan, ang lahat
ay paniguradong mananahimik. Kapag klase
niya, klase niya, ayaw ni mam na may
ginagawa kaming iba na walang kinalaman sa kaniyang asignatura. Strikto si mam,
ayaw niyang may magsasalita sa amin ng wikang ingles lalo na sa tuwing kami ay
mag sasalita o maguulat sa harapan.
Sa Buong taon, bilang lang ata ang aking pagrerecite
.Dahil sa ako’y laging kinakabahan sa tuwing siya’y nag tuturo, Kahit alam ko ang sagot sa kaniyang katanungan
ay nawawalan ako ng lakas na loob upang ipahayag ang aking kaalaman .
Ngunit sa buong taong aming naging pagsasama,
nakita ko na napakabait niyang guro,
kaibigan, at ina. Bukod dun ay nakita ko na may pagkaisip bata rin pala si Mam.
Mahilig siya sa mga Anime series na pang 90’s gaya ko na kahit hindi ko na
naabutan . Magaling si Mam makitungo sa lahat ng taong nakapalibot sa kaniya
maging sa aming mga estudyante. Sa kaniyang pagtuturo ay laging may halong
pagpapatawa kaya’t nagkakaroon kami ng interes sa kaniyang klase.
Maswerte ako na naging
guro ko siya at sigurado ganoon rin ang mga susunod pang magiging estudyante
niya.
No comments:
Post a Comment