Saturday, March 7, 2015

Ikalawang Linggo

Balik-Aral

Sa linggong ito’y amin ng sinumulan ang pagaaral para sa nobelang Noli Me Tangere. Kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere ang naging pangunang bungad sa amin ng ika-apat ng Markahan. Dito aming pinaglinayan ang mga naging dahilan ni Rizal sa pagsulat niya ng nobelang Noli Me Tangere. Kamngha-mangha talaga si Rizal dahil sa mga panahon na ang ating bansa ay nasa kamay ng mga Espanyol at para sa mga Pilipino ang dahas lamang ang tanging susi upang makamit ang minimithing kasarinlan, pumasok sa kanyang isipan na gawin ang kanyang nobela na maaaring magpabago sa pagtakbo ng kanilang pamumuhay. Dito walang dahas na maaaring kumitil sa buhay ng mga inosente. Pinairal ni Rizal ang kanyang katalinuhan upang gawin ang nobelang ito sapagkat isinaalang alang niya ang mga kaganapan sa bansang Espanya at sa paligid nito gaya ng pagkalugi ng galleon Trade, pagkakahiwalay ng mga kalapit na bansa nito at kawalan ng matatag na pamahalaan.

No comments:

Post a Comment