Balik-Aral
Mula noong Lunes hanggang
miyerkules, ako at iba ko pang mga kamag aral ay hindi nakapagklase sapagkat
kami ay napiling magrepresenta ng buong Division ng lungsod ng Antipolo para sa
gaganaping Regional Schools Press conference sa Lipa, Batangas. Magkahalong
emosyon ang aking nararamdaman sa mga panahon na iyon sapagkat una ko iyong sumabak
sa ganoong kompetisyon na kungsaan aming makakalaban ang lahat ng Division sa
buong CALABARZON.
Sa aming pagbalik sa aming mga
klase, kitang-kita na huli na kami sa aming mga leksyon sa lahat ng asignatura.
Marami na silang napagaralan at nasagutan na pagsusulit kungkaya’t kami ay lubos
na nagkukumahog upang makahabol lamang sa mga napagiwanang mga aralin.
No comments:
Post a Comment