Pilipinas, Game KNB?
Sa buong Asya, tanging ang Pilipinas na
lamang ang gumagamit ng lumang curriculum
(6 na taon sa Elementarya at 4 na taon sa Hayskul). Dahil dito, napagiiwanan na
ang ating bansa sa usaping edukasyon. Upang bigyang solusyunan, isinulong na ng
ating pamahalaan kaakibat ang Kagawaran ng Edukasyon ang K-12 Curriculum, kungsaan ang isang bata
ay kinakailangan sumailalim sa anim na taong pagaaral sa Elementarya, at pagkatapos
ay 4 na taon para sa Junior High School (JHS) at karagdagang 2 taon para sa Senior
High School (SHS).
Ang K-12 ay naglalayong ihanda ang bawat
magaaral sa mundo ng paggawa sapagkat pagkatapos ang labing dalawang pagaaral ay
pinahihintulutan na silang magtrabaho at huwag munang tumuloy sa pagkokolehiyo.
May mga ilan ang natuwa at sumang-ayon sa ipinatupad na ito ngunit mas higit ang
bahagdan ng mga tao na may negatibong
reaksyon sapagkat isang mabigat lamang na pasanin ang dalawang karagdagang taon
sa pagtutustos nila sa pagaaral ng kanilang mga anak.
Bagsak ang ekonomiya ng bansa kung kaya’t
hindi na nito kayang tugunan ang mga pangangailangan ng mga Pilipino, paano pa
ang K-12. Karagdagang taon, karagdagang
mga pasilidad rin para sa mga paaralang magsasagawa ng Senior High School at
dahil hindi pa handa ang bansa, saan kukuha ng pera para sa pagpapagawa ng mg
gusali?
Maganda naman ang hangarin ng k-12 para sa
atin ngunit kung hindi pa handa ang lahat para dito, sa halip na umunlad ng
tuluyan ang ating bansa maaaring dumagdag pa ito sa mga problema na hanggang
ngayo’y hindi pa malutas-lutas.
No comments:
Post a Comment