Saturday, March 7, 2015

Ikalawang Linggo

Balik-Aral

Sa linggong ito’y amin ng sinumulan ang pagaaral para sa nobelang Noli Me Tangere. Kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere ang naging pangunang bungad sa amin ng ika-apat ng Markahan. Dito aming pinaglinayan ang mga naging dahilan ni Rizal sa pagsulat niya ng nobelang Noli Me Tangere. Kamngha-mangha talaga si Rizal dahil sa mga panahon na ang ating bansa ay nasa kamay ng mga Espanyol at para sa mga Pilipino ang dahas lamang ang tanging susi upang makamit ang minimithing kasarinlan, pumasok sa kanyang isipan na gawin ang kanyang nobela na maaaring magpabago sa pagtakbo ng kanilang pamumuhay. Dito walang dahas na maaaring kumitil sa buhay ng mga inosente. Pinairal ni Rizal ang kanyang katalinuhan upang gawin ang nobelang ito sapagkat isinaalang alang niya ang mga kaganapan sa bansang Espanya at sa paligid nito gaya ng pagkalugi ng galleon Trade, pagkakahiwalay ng mga kalapit na bansa nito at kawalan ng matatag na pamahalaan.

Unang Linggo

Balik-Aral

      Para sa unang linggo ng ika-apat na Markahan, binigyang panimula ni Gng. Mixto ang aming susunod na Aralin, ang Noli Me Tangere. Ang Aralin na ito’y nakapokus sa buhay ni Crisostomo Ibarra at ang kanyang pakikipagsapalaran sa loob ng nobela. Kaakibat ng aming Aralin ang paggawa ng isang Movie Trailer at Short Film na pumapatungkol sa isang partikular na kabanata sa nobela. Ito ay ang aming magiging produkto para sa buong markahan. 

Wednesday, January 14, 2015

Tuesday, January 13, 2015

Ikapitong Linggo


Balik-Aral

          Ito na ang huling linggo ng Ikatlong Markahan. Tumungo naman kami sa iilan sa bansa san g Timog Kanlurang Asya, ang Saudi Arabia at Israel. Amin ring tinalakay ang tungkol sa sanaysay’.Amin na itong tinalakay kungkaya’t para sa amin ay madali na lamang ito. Bukod roon, tinalakay narin namin ang Synopsis.

Tuesday, January 6, 2015

Ika-anim na Linggo

Balik-Aral
Sa buong linggong ito, amin paring tinalakay ang Elehiya. Bukod rito, aming inalam ang pagkakaiba nito sa Oda at Dalit. Ang Oda ay isang liriko o isang uri ng tulang awiting pasulat samantala ang Dalit, kumpara sa Elehiya, ito’y isang akdang pampanitikan na nagpaparangal sa kakaibang ginawa ng tao.

Tuesday, December 9, 2014

Ika-apat na Linggo

Balik-Aral
Ngayong linggong, aming tinalakay ang parabula. Ang Parabula ay isang maikling kuwento na hango galing sa bibliya. Ito’y nag lalaman ng mga salita na nagpapahayag ng malalalim na kahulugan, pa-literal o metamorpikal na 

Saturday, December 6, 2014

Ikalimang Linggo

Balik-Aral
       Matapos ang isang linggong pagtalakay sa Parabula, kami ay tumungo sa panibagong nanamang aralin.
      Sa panimula ng aralin, una muna naming pinakinggan ang isang mensahe. Ito’y nagmula sa isang anak kungsaan siya’y nagpapasalamat sa kaniyang mga magulang, sa mga nagawa nila sa kaniya simula pagkabata hanggang sa kaniyang pagtanda. Ang mensaheng ito’y punong-puno ng kalungkutan na naging dahilan upang ang buong klase ay maging emosyonal din.
      Ipinaliwanag ni Gng. Mixto kung bakit namin iyon pinakinggan sapagkat ito’y konektado sa aming aralin, ang Elehiya. Ang Elehiya ay isang lirikong patula na nagpapahayag ng mabugsong damdamin o emosyon. Upang mapalawak pa an g aming kaalaman ukol rito, aming sinuri ang tulang Elehiya para sa kamatayan ng aking kapatid na mula pa sa bansang Bhutan na siya naman isinalin niTeresa Laximana sa Filipino.

      Para sa buong sipi pumunta sa:
http://blogspot-ni-hayme3.blogspot.com/2014/12/elehiya-sa-kamatayan-ng-aking-kapatid_6.html