Balik-Aral
Ngayong linggong, aming tinalakay ang parabula. Ang Parabula ay isang
maikling kuwento na hango galing sa bibliya. Ito’y nag lalaman ng mga salita na
nagpapahayag ng malalalim na kahulugan, pa-literal o metamorpikal na
Tuesday, December 9, 2014
Saturday, December 6, 2014
Ikalimang Linggo
Balik-Aral
Matapos ang isang linggong pagtalakay sa Parabula, kami ay
tumungo sa panibagong nanamang aralin.
Sa
panimula ng aralin, una muna naming pinakinggan ang isang mensahe. Ito’y nagmula sa isang anak kungsaan siya’y nagpapasalamat sa kaniyang mga
magulang, sa mga nagawa nila sa kaniya simula pagkabata hanggang sa kaniyang
pagtanda. Ang mensaheng ito’y punong-puno ng kalungkutan na naging dahilan
upang ang buong klase ay maging emosyonal din.
Ipinaliwanag ni Gng. Mixto kung bakit namin iyon
pinakinggan sapagkat ito’y konektado sa aming aralin, ang Elehiya. Ang Elehiya ay isang lirikong patula na nagpapahayag ng mabugsong damdamin o emosyon.
Upang mapalawak pa an g aming kaalaman ukol rito, aming sinuri ang tulang
Elehiya para sa kamatayan ng aking kapatid na mula pa sa bansang Bhutan na siya
naman isinalin niTeresa
Laximana sa Filipino.
Para sa buong sipi pumunta sa:
http://blogspot-ni-hayme3.blogspot.com/2014/12/elehiya-sa-kamatayan-ng-aking-kapatid_6.html
Friday, November 21, 2014
Ikatlong Linggo
Balik-Aral
Ang
aming guro na si Gng. Mixto ay muli ng nagbalik mula sa isang linggo seminar ng
mga tagapayo ng publikasiyon sa bawat paaralan.
Sa kaniyang pagbalik, muli naming binalikan ang aralin patungkol sa
paghahambing. Bagaman amin na itong napagaralan, amin parin itong tinalakay
para sa ilan pang karagdagan mula sa aming guro. Upang subukin ang aming
natutunan ukol rito, nagsagawa kami ng pagsasanay kungsaan kailangan namin
bumuo ng pangungusap gamit ang mga salitang naglalarawan.
Pagkatapos ng talakayan sa paghahambing,
amin muling sinariwa ang kuwento nina Rama at Sita. Nagbigay ng ilang
katanungan si Gng. Mixto kaugnay rito. Halos lahat ng aking kaklase ay
nakarelate sa mga tanong , marahil meron na silang karansan sa mga iyon.
Friday, November 14, 2014
Ikalawang Linggo
Balik-Aral
Ikalawang linggo para sa ikatlong markahan. Wala ang aming guro na si Gng. Mixto sa kadahilanang mayroon syang dapat na asikasuhin kungkaya't si Bb. Basbas ang itinalagang mag turo sa kanyang mga klase, ngunit dahil si Bb. Basbas ay may masamang pakiramdam sa araw na iyon, ang aming kaklase na si Trixie Usa ang pansamantalang naging guro o “STUDENT TEACHER” upang sagayon ay hindi kami mahuli sa mga aralin.
Sa
linggong ito, sinimulan na namin ang talakayan para sa panibago nanamang
aralin, ang PAGHAHAMBING. Ang paghahambing ay ginagamit upang malaman ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bagay na pinaghahambingan. Upang mapalawak,
inalam rin namin ang mga uri nito.
Sinubukan ang aming mga natutunan
nang binigyan kami ng gawain.Saturday, November 8, 2014
Unang Linggo
Balik-Aral
Unang Aralin
para sa ikatlong modyul. Medyo naninibago dahil ibang iba ito sa mga nakalipas
na aralin. Marahil katangi-tangi ang kulturang India kumpara sa iba. Ngunit sa
kabila nito, ako’y namangha sa kanilang likhang Epiko dahil bukod sa
napakagandang Konsepto nito, ito’y binubuo ng 124, 000 sunskrit o
Kabanata. Paniguradong hindi ito mababasa ng ilang araw, buwan o maging taon
dahil sa pagkahaba nito. Kungkaya’t isa lamang sa mga kabanata ang aming
natalakay.
Ito’y
pumapatungkol sa pagiibigan nina Rama at Sita na parang wala ng bubuwag sa
napakatibay nilang samahan sa kabila ng mga problema at mga pasakit na kanilang
dinaranas. Kasama si Lakshamanan na kapatid ni Rama at Karibal na si Ravana at
ang kapatid nitong si Surpanaka.
Para sa buong
Kopya, pumunta sa:
Panimula :D
Napakasarap
isipin na sa bawat aralin noong ikalawang markahan ay nalaman natin kung gaano
kayaman ang Silangang Asya sa lahat ng aspeto. Galak na galak na ako dahil tayo’y
muling lalakbay sa ibang dako naman ng Asya, ang Timog Asya.
Sunday, October 26, 2014
Takdang Aralin # 1
“Katabi sa Upuan, Katabi sa pangangailangan.”
Sa
mahigit tatlompung buwan kong pamamalagi sa loob ng paaralan, simula ng ako’y nasa
ikapito baitang hanggang ngayong sa pagtungtong ko sa ika siyam na baitang, siguro
hindi ko na mabilang ang aking mga naging kaibigan.
Napakarami man nila, ngunit may mas
namumukod tangi.
Parang
sa bawat asignatura , may iba’t iba kaming “Sitting
Arrangement” o yung ayos ng aming mga upuan. Pag sinabi ng
aming Guro na pagbabasihan daw sa “Alphabetical
Order”, naku parang kilala ko na ang aking magiging
katabi. Si ate Jennica Legados. Siya ang aking katabi sa upuan sa Asignaturang Filipino (lagi
naman) at napakasuwerte ko dahil doon. Paano ko nasabi? Marahil dahil sa
tuwing may mga pagsusulit, siya ang
lagi kong napagtatanungan lalo na’t pag ilang araw akong hindi nakapasok sa
aking klase dahil sa mga iba pang kadahilanan. Lugi naman siya kung wala akong maitutulong sa kanya, ,siyempre meron rin naman siyang benepisiyo sa akin.
Siyempre kapag ako naman ay may problema na
hindi ko malutas-lutas, nariyan siya
upang tumulong at umagapay.
Takdang Aralin namin ay ang ilarawan ang aming katabi ngunit sa isinulat kong ito ay hindi pa lubos na nailarawan ang kabuuan kung kaya’t bilang karagdagan, ilalarawan ko siya bilang isang mabait, masiyahin, matalino, simple sa lahat, mapamaraan, at makadiyos na kaibigan. Si ate Jennica na aking kaibigan.

Saturday, October 25, 2014
Wika nga nila…
Film Entry ng Mambugan
National High School
Tema: Filipino: Wika
ng Pagkakaisa
Cast:
Jelica Cinto bilang Malaya Dela Cruz
Trixie Usa bilang Theresa
Villaflor
Kathleen Sarsagat bilang Mariela De Guzman
Marjorie Capendit bilang Karen Bicaldo
Angelika Iwag bilang Darla Aquino
Erin Joy Monteagudo bilang Bb. Susan Rivero
Production Staff:
Harvey Sallador - Director
Mark Marasigan - Asst. Director
James A. Gallardo - Editor
Trixie Usa at Camille Ann Viva - Writer
Gng. Marvilyn B. Mixto
Gurong Patnugot
Thursday, October 23, 2014
Kohesyong Gramatikal
Ito ay mga salitang tulad ng panghalip na
nagkakawing sa mga salita, parirala at sugnay.
Ang paggamit ng mga panghalip upang humalili sa pangngalan ay tinatawag na
pagpapatungkol.
1. Anapora
Ang elementong pinalitan ng panghalip ay unang nabanggit sa unahan ng texto o pahayag o panghalip sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalang binanggit sa unahan.
2. Katapora
Dito, ang elementong pinalitan ng panghalip ay binabanggit pagkatapos ng panghalip na inihalili o ipinalit: panghalip na ginamit sa unahan ng texto o pahayag bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan ng texto o pahayag.

Ang dula ay isang akdang pampanitikan na
ang layunin ay itanghal sa pamamagitan ng pananalita, kilos at
galaw ang kaisipan ng may-akda.
Elemento:
Iskrip o nakasulat na dula
-ito ang pinakakaluluwa ng isang dula;
lahat ng bagay
na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang
is
rip
Gumaganapo aktor
-ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay
sa mga tauhan sa iskrip.silaang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba¶t ibang damdamin; sila ang pinanonoodna tauhan sa dula
Tanghalan
-anumang pook na pinagpasyahang
pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag
natanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silidna
pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase
Direktor
-ang direktor ang nagpapakahulugan sa
isang iskrip; siya ang nag-i-interpretsa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng
tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraanng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip
Manonood
-hindi maituturing na dula ang isang
binansagang pagtanghal kung hindi ito napanoodng ibang tao; hindi
ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; atkapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanoo
Saturday, October 4, 2014
Aralin 2.4
Niyebeng-itim
ni Liu Heng
Isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra
Paparating na ang bisperas ng Bagong Taon.
Nagpakuha ng litrato si Li Huiquan sa Red Palace Photo Studio, isang bagay na
ayaw na ayaw niyang gawin, dahil pakiramdam niya, lalo pa siyang pinapapangit
ng kamera. Sinabihan na siya ni Tiya Luo na sapat na ang apat na piraso, ngunit
nag-order siya ng labinlima. Nagulat ang klerk.
“Kinse?”
“Kinse nga.”
“Hindi kami siguradong maganda pa rin ang litrato kapag ganoon karami.”
“Gusto ko sabi ng kinse!”
May pagkainis na sa kanyang boses at iyon lamang ang magagawa niya para mapigilan ang sarili na suntukin ang pangang iyon. Nag-order siya ng kinse para hindi na siya bumalik pa sa susunod at ikinabuwisit niya ang ituring na kahangalan ang ganito.
Nang bumalik siya para kunin ang litrato, mas kabado siya kaysa nang kunin niya ang mga abo ng kanyang ina sa crematorium. Tumalikod siya at lumakad papalayo dala ang balutang papel nang hindi pa muna sinusuri ang litrato, at nang nag-iisa na lamang, dinukot niya ang laman . Labinlimang magkakatulad na litrato ang hawak niya, bawat isa ay nakatitig sa kanya nang may pare-parehong hitsura. Sa kabuuan, mas maayos ang kinalabasan kaysa kanyang inaasahan. Parang mas manipis ang kaniyang labi dahil nakatikom, nakatitig ang mga mata niya. Hindi mo masasabing pangit. Sa katunayan, mas guwapo siya kaysa sa maraming tao. Wala siyang reklamo.
Dinala siya ni Tiya Luo sa komite sa kalye kung saan pinagpasa-pasahan sila. Nakipag-usap sila sa iba’t ibang tao hanggang sa isang may katandaang opisyal ang nagbigay rin sa kanya ng lisensya para sa kariton. Hindi naaprobahan ang kanyang aplikasyon para sa lisensya sa pagtitinda ng prutas dahil puno na ang kota. Ang mga kontak ni Tiya Luo ay hindi makatulong o ayaw nang tumulong. Mayroon na lamang lisensya para sa tindahan ng damit, sombrero at sapatos. Wala nang
pakialam si Huiquan kung anuman ang maaaring itinda. Ang mahalaga, mayroon siyang magawa. Nabalitaan niyang mas madali ang pagtitinda ng prutas, mas mabilis ang kita; mas mabagal naman sa damit, at mas mababa pa ang tubo. Nabalitaan din niyang kailangan niya ng maayos na tindahan o koneksiyong blackmarket para talaga mapatakbo ito. Ngunit handa siyang sumubok. Kailangang
palakasin niya ang kanyang utak, at di matatakot magtrabaho, maaayos ang lahat. Kahit maliit ang kikitain niya, hindi naman liliit pa iyon sa natatanggap niya bilang ulila, hindi ba? Bahala na.
nila mula sa compound ng gobyerno, nakabangga nila ang isang matabang mama na tinawag ni Tiya Luo na Hepeng Li. Sabi ni Tiya Luo kay Huiquan na tawagin itong Tiyo Li. Walang ideya si Huiquan kung hepe ito ng ano at kaninong tiyo ito, ngunit naaalala niya rito ang matatabang sumo wrestler ng Hapon.
“Hindi ka ba magpapasalamat kay Tiyo Li sa lahat ng tulong niya?”
Magalang na yumuko si Huiquan, isang ugaling natutunan niya sa kampo.Kailangang yumuko ang mga bilanggo sa lahat ng guwardya, inspektor, at tagamasid na nakikipag-usap sa kanila o nakatingin man lang sa kanila- iyon ang pagsasanay. Ginagawa na niya iyon dahil nakasanayan na. Ngunit halos di siya napansin ng mama -- tila ito isang lalaking tumitingin ng kung anong paninda.
Pakiramdam ni Huiquan ay isa siyang basurahan o isang pirasong basahan na nais magtago sa isang butas. “Ito ba siya?” tanong ng matabang mama kay Tiya Luo.
“Mabait siyang bata, tulad ng sabi ko. Tingnan mo’t namumula na siya.”
Napatawa ang mama habang itinuon ang tingin kay Huiquan.
“Alam mo ba kung paano ka nakakuha ng lisensya gayong maraming retirado at walang trabaho ang di-makakuha?”
“Dahil … dahil kailangan ko ng trabaho?”
“Iyon lang ba?” mapanlibak ang ngisi ng mataba.
“Dahil isa akong ulila?”
“Kinakalinga ka ng pamahalaan; tiyak kong alam mo iyan. Huwag kang manggugulo at huwag kang sakim… nagkamali ka na. Kalimutan mo na iyon, dahil kapag umulit ka, wala nang tutulong sa iyo.”
“Gagawin ko anuman ang ipag-utos ng pamahalaan.”
Isa na naman sa maraming islogan sa kampo. Nakabilanggo pa rin ang kaniyang isip at damdamin kahit pinalaya na siya sa kampo. Kahit si Tiya Luo ay tumangu-tango. Saan man siya magpunta, laging may nagsasabi sa kaniya kung ano ang dapat at di-dapat gawin; sa pagtingin sa kanya nang mababa, umaangat ang kanilang sarili. Namalagi siya sa bilangguan. Sila ay hindi at nararamdaman niya na ang mga babala, panlalait, at paalala ay para lang sa kaniya; gamitin ang ihian, walang dudura, bawal pumasok, limang yuan na multa - lahat ay patungkol sa kaniya at tanging sa kanya lamang. Habampanahon na may magpapahirap sa kaniyang buhay, magtuturo sa kaibahan niya at ng ibang tao, hihila sa kanya paibaba. Gusto niyang lumaban, pero wala siyang lakas. Kaya magpapanggap siyang tanga, umiiwas sa mga nagmamasid at nagmamatyag, Maraming taon na
naman niyang ginagawa ito.
Masayang naglakad si Tiya Luo, di-pansin ang tamlay sa mukha ni Huiquan habang nakasunod ito na parang bilanggo.
“Halos Bagong Taon na. Pwede kang manatili ngayong bagong taon sa amin.”
“Salamat, pero maayos na po ako…”
“Sa palagay ko’y matutuwa na ang ina mo. Kung buhay siya, ipapangalandakan niya -- negosyante na ang anak ko; maganda ang kinabukasan niya; hindi na siya katulad nang dati. Gusto kong pasalamatan mo ang nanay mo.”
“Sige po.”
“Bahala ka kung gusto mong mag-isa ngayong Bagong Taon pero hindi ibig sabihin na pwede kang uminom.”
“Huwag kayong mag-alala.”
“Hindi na maaga para mamili para sa Bagong Taon. Isda, manok – kung ano-ano pa. Kung hindi ka marunong magluto, pumunta ka rito at tuturuan kita. Dapat lang na maayos ang Bagong Taon mo. Pagkatapos, dapat magtrabaho na. Ayusin mo at hahanapan kita ng nobya. Ano sa palagay mo, bata?”
“Kayo ang masusunod.” Ngumiti siya ngunit matamlay. Ang isang yari sa kahoy at canvass na ambi ay aabot ng sandaan o mahigit pa; kung may tatlong gulong, dagdag na tatlong daan pa mahigit. Wala nang matitira para sa paninda. Hindi pa nga nagsisimula’y kailangan na niyang humugot sa naipon ng kaniyang ina. Kinabahan siya dahil wala na itong atrasan.
Isa o dalawang araw bago ang Bagong Taon, nakakita siya ng kakarag-karag at lumang tatluhang gulong na sasaksyan sa East Tsina Gate Consignment Store na 230 yuan ang halaga. Ayos ang presyo pero napakasama ng kondisyon at di-masasakyan. Mukhang maayos ang balangkas- kahit paano’y napanatili ang hugis; walang gulong, pero mapakikinabangan pa rin ang gilid at rayos ng gulong; walang kuliling , walang kadena, at walang tapakan, ngunit may preno at pedal. Hindi siya makapagpasya at pinag-isipan niya sa lahat ng anggulo. Nalibot na niya ang buong bayan. Ang mga bagong sasakyan ay nagsisimula sa apat na raan, wala naming ipinagbibiling umaandar pang segunda mano. Sa isang groseri, nakakita siya ng isang sasakyang yari sa kawayan na mukha namang matibay, ngunit parang may mali rito. Kung magtitinda siya ng damit, kakailanganin niya ang tatluhang gulong – para naman presentable.
“Gusto mo nito? Para saan?”
Lumapit ang klerk sa kaniya.
“Kariton para sa mga damit.”
“Tamang-tama. Hindi ka magsisisi. Kung poste ng telepono, o kongkreto. O iba pang katulad, hindi ko ‘to irerekomenda. Pero para lamang pala sa ilang tumpok ng damit. Di ka gagastos ng higit sa sandaan sa pag-aayos nito, at pwedeng tumagal pa ng lima, anim na taon.”
“Bakit di-gumagalaw?”
“Matigas ang preno. Aayusin ko.”
Ibinigay ni Huiquan ang pera, at kinaladkad ang walang gulong na sasakyan mula East Tsina Gate patungong Dongsi, at mula roon, papuntang Chaoyong Gate. Dahil sa kanyang natatanging sasakyan, naging sentro siya ng atensyon, bagaman hindi naman nakapipinsala ang mga tingin sa kanya. Matapos bumili ng ilang parte sa pagawaan ng bisikleta sa labasan ng Chaoyong Gate Boulevard, tinulak niya ang kanyang sasakyan patungong East Lane ng Kalyeng Spirit Run papasok sa gate ng bilang 18. Ang berdeng bayong na nakasabit sa kalawanging hawakan ng sasakyan ay napuno ng tinimplang baka, dalawang pinakuluang manok, may yelong isda, apat na paa ng manok at isang bote ng alak – hapunan para sa Bagong Taon. Binili niya at madaling nakuha dahil ayaw na ayaw niyang nakapila at wala naman siya talagang hinahanap para sa kanyang hapunan. Mas iniintindi niya ang kaniyang sasakyan, ang kanyang bagong kaibigan, ang kaniyang tahimik na kasama.
siya ni Tiya Luo para maghapunan, bisperas ng Bagong Taon. Dumaan ito habang naglalagare siya ng kahoy, nakalambitin sa kaniyang bibig ang isang pirasong manok. Tumanggi na muna siya. May naamoy ang Tiya at inangat nito ang takip ng palayok. Pinalalambot ang paa ng manok sa kumukulong sabaw. Walang makikitang berde – hindi balanseng pagkain. Sira na ang manggas ng kaniyang panlamig; puno ng kusot ang kaniyang sapatos at laylayan ng pantalon; marumi at mahaba ang kaniyang buhok. Naawa si Tiya Luo sa kaniya, ngunit tumanggi pa rin si Huiquan. Ginagamit pa rin niya ang kahoy na iniwan ni Hobo, desididong gumawa ng magandang patungan para sa kaniyang sasakyan.
Bumalik si Tiya Luo para imbitahan siyang manood ng TV – nakatatawang palabas at iba pang kawili-wiling programa. Hindi dapat palampasin. Ngunit umiling siya, hindi man lang tuminag sa kaniyang paglalagare.
“Marami pa po akong gagawin.”
“Hindi makapaghihintay kahit pagkatapos ng Bagong Taon.”
“Mas gugustuhin kong patapusin ninyo ako...”
“Marami namang panahon. Huwag mong tapusin agad lahat. Di ka dapat magpagod, Bagong Taon pa naman.”
Sa umpisa, panaka-naka ang mga paputok, ngunit dumalas ang ingay at pagsapit ng hatinggabi, akala mo’y sasabog na ang mundo. Ibinaba ni Huiquan ang lagare at nagsalin ng alak. Matagal na pinalambutan ang paa ng manok kaya halos matanggal na sa buto ang mga laman nito. Tama naman ang pagkaluto, medyo matabang, marahil, kaya nilagyan niya ng kaunting toyo ang plato at isinawsaw niya ang laman dito, at kumain at uminom siya hanggang sa mamanhid ang kanyang panlasa. Maaaninag sa kaniyang bintana sa kaniyang likod ang pula at berdeng ilaw paminsan-minsan. Karangyaan kahit saan ka lumingon, mula sa mga taong kuntento sa kanilang buhay. Ano ang balak ng milyong taong ito ? Ano ang ipinagsasaya nila?
Siguradong hindi siya kabilang sa kanila. Kung buhay si Ina, panahon iyon ng pagbabalot ng dumpling, iyong maliliit na pagkaing pumuputok sa bibig na parang kendi. Gustung-gusto niya iyon. Sa unang Bagong Taon niya sa kampo, pitumpu’t anim ang nakain niya sa isang upuan, hanggang sa mabusog siya nang sobra’t hindi na siya halos makaupo, at ginugol niya ang buong hapon sa paglalakad sa laruan. Gayunman, kahit ang alaalang ito ay hindi nakapagpasaya sa kaniya. Malagkit ang mga kamay niya dahil sa pinalambutang paa ng manok at sapin ng malagkit na baboy, at nahihilo na siya dahil sa alak.
Lumabas siya at tumayo sandali sa bakuran. Walang lamig, walang hangin. Makulay ang langit; maraming paputok sa lahat ng dako. Ang bakuran, na may mahigit sa pito o walong talampakan ang luwang, ay tulad ng balon sa ilalim ng kumikinang na bughaw na langit. Isang stereo ang bumubuga ng awit, iyong tunog na di-maintindihan. Naiisip niyang mataba at pangit ang mang-aawit. Nakapanood na siya ng ganito sa TV – magagandang boses at ngiti ngunit pangit ang hitsura nila. Kumikisay sila sa iskrin, ang mga kilos ay nagpapatingkad lamang sa kanilang kapangitan at ang mga awit nila ay ginagawang mga sigaw at halinghing. Magagandang babae lamang dapat ang ipinakikita sa TV, subalit maaaring nagkukulang na ng suplay. Bagaman lumalayo na si Huiquan sa mga babae, sumasagi pa rin sa isip niya ang imahen ng magagandang dalaga. Wala sa mga ito ang kilala niya dahil labo-labo na ang mga ito sa kanyang utak – malalabong imahen na ang intensyon ay malinaw at tiyak. May mga panahon, natatanging panahon, kung kailan pinapangarap niyang mapasasayaw niya sa kaniyang isip ang mga imahen. Ngunit sa totoong mundo man o sa mundo ng ilusyon ay hindi niya mapasunod ang mga ito. Walang magawa, napilitan siyang tanggapin ang kaniyang kahinaan.
Ang isip ni Huiquan ay nabaling sa malalaswang dingding -- dingding ng banyo na ang mga sugat ay hindi mabura, ginulping dingding na halos iguho ng malalaswang pag-atake. Kakaiba, malaswang isip at dumi ay kakatuwang napapagsama nang maayos doon, pinupuwersa siyang harapin ang maruming katawan na pinipilit niyang itago. Mag-isa sa bisperas ng Bagong Taon, idinagdag niya ang sarili niyang mga pantasya sa mga naroon sa maruruming dingding. Hindi pala ang mga babae kundi marahil sa sarili pala niya siya naririmarim.
Sa sarili niyang paraan, inalagaan niya ang kaniyang sarili. Magulo, siyempre pa, ngunit gusto niya ang gayon, lihim, ligtas, at di-komplikado. Mas maraming mapagtataguan sa kampo kaysa kaya nilang bilangin – taniman, maisan, daluyan ng irigasyon, di pa nabubungkal na bukid – na ang tanging nagmamasid sa kaniya ay ang langit sa itaas at ang lupa sa ibaba. Nang naroon na siya, wala na siyang pagtingin kay Xiaofen, kaya wala nang direksyon ang kaniyang pagkahumaling.
Bahala na. Alam niyang pinaglalaruan siya ng mga demonyo at wala siyang lakas para labanan ito.
Pagod na siya. Paubos na ang mga pagputok. Ang madalang nang pagputok ay nagpatingkad sa kalaliman ng gabi. Puno na ang mg tao ng kasiyahan, pagkain, at laro, at oras ba para matulog ang lungsod, bago magbukang-liwayway. Wala siyang kasama, at pakiramdam niya’y nawawala siya. Labas sa kaniyang mga pantasya, wala siyang makitang babae na karapat-dapat sa kaniyang pagmamahal.
Si Luo Xiaofen, wala na sa kanyang isip, ay hinding-hindi ang babaeng iyon. Hindi pa niya nakikita ito simula nang lumabas siya. Nagbabakasyon ito sa Harbin kasama ng kaniyang nobyo, isang assistant sa kolehiyong normal, at isang gradwadong mag-aaral sa matematika si Luo – isang tambalang itinadhana ng langit. Ibinalita ni Tiya Luo, masaya at nagmamalaki, na magpapakasal na ang dalawa sa Mayo.
Si Luo Xiaofen – kababata ni Hiuquan, sabay silang nagelementarya hanggang gitnang paaralan, ngunit ngayon, wala na siyang pagkakatulad. Nasa Harbin si Luo, samantalang siya, nasa kalyeng Spirit Run, sa isang madilim na sulok, gumagawa ng hamak na bagay. Ngunit ito ang tadhana.Hinahamak siyang lagi ng tadhana.
Sa unang araw ng bagong taon, pinagkaabalahan niya ang kaniyang sasakyan, sa ikalawang araw, inilabas iyon para paandarin. Tuwang-tuwang siya sa mga sisidlang ginawa niya. Nagbisekleta siya para tingnan ang mga pakyawan, para pag-aralan ang mga lokasyon nito. Sa ikalima pa ang takdang pagbubukas ng mga ito, tila pinagkaisahan siya. Walang magagawa hanggang sa araw na ito.
Matapos sumulat sa Instruktor Politikal Xue at ipadala ang liham, dumaan si Huiquan sa isang tindahan ng libro at bumili ng mga kopya ng “Mga Multo sa Isang Lumang Sementeryo at Mga Babaeng Ahas”. Pagbalik sa bahay, humilata siya’t nagbasa habang kinaing-isa-isa ang saging. Nitong mga nagdaang araw, nakaubos siya ng isang piling hanggang sa naging madulas ang kanyang bituka at napapapunta sa inodoro buong araw. Maayos naman ang mga libro; hindi lang siya makaalala ng istorya. Kaya’t binabasa niyang muli, at parang bago at kawili-wili pa rin sa ikalawang pagbasa. Matapos niyang basahing muli ang mga libro, itinabi niya ito at ang mga pader ay tila blangko at maputla. Saging pa. Itinuturing na niyang mga gago ang mga awtor. Nakababato. Gayon pa rin bukas, at may pakialam ba siya ? Ano ang pagkakaiba ng malaki at maliit na daga? Parehong pangit; parehong patagu-tago.
Ibinigay kay Huiquan ang pwesto sa may daanan sa timog ng Silangang tulay. Dito ang mga numero ay nakapinta nang puti sa mga ladrilyo na nasa isang mahabang hanay ng tigdadalawang kwadrado-yardang pwesto; ang iba ay okupado, ang iba ay hindi. Matapos niyang ayusin ang kaniyang tindahan, tinakpan niya iyon ng ambi at inayos ang kaniyang sasakyan para magsilbing harap ng tindahan. Sa bandang kaliwa niya ay ang daanang silangan-kanluran, sa bandang kanan, ang katapat nitong hilaga-timog. Nasa tapat mismo ng paradahan para sa Eastbridge Department Store. Nasa gilid siya ng alimpuyo ng mga tao, parang di humihinto.
Wala isa man lang na tumingin sa kaniyang paninda. Pagod pa sa nagdaang okasyon, ang mga dumaraan ay palaiwas o bugnutin. Ang kaniyang designasyong ay Timog 025. Hindi magandang puwesto. Siya ang ika-25 tindero ng damit sa isang mahabang yardang lugar. Ang mga tindahan ng pagkain ay nasa hilagang bahagi ng kalye, na may di kulang sa anim na nagtitinda ng inihaw na kamote at ilan pang matatandang naglalako ng malamig na dalandan at halos bulok nang saging.
Napuno ng kulay berde sa kaniyang tindahan – isang bunton ng walong kulay-olibang kasuotang pang-army. Isinampay niya ang ilan, inilatag ang iba, at isinuot ang isa. Niloko siya ng matandang lalaki sa pakyawan. Hindi maitinda ang mga kasuotan, panlamig na angora, at sapatos na gawa sa canvass. Ang naitinda lamang niya nang araw na iyon ay mga angora, madaling naubos ang dalawampung piraso. Mangyari pa, iyon ang pain para sa iba pang paninda. Ang pakyawan ay tres-diyes. Ibinenta niya ang una ng apat na yuan at ang huli, sais-beinte. Walang kinailangang magturo sa kaniya. Natuto siya nang iabot sa kaniya ng unang kostumer ang pera ; huwag kang matataranta sa pera at kalimutan mo na ang pagiging magalang. Sumigla siya, sa kung anumang dahilan; kumislap ang mata niya, at napanatag siya. Sa wakas, isang bagay itong may kontrol siya.
Gusto sana niyang magtago ng isang gora para sa sarili. Para itong Ku Klux Klan na talukbong – mga mata lamang ang makikita – at iyon ang kailangan ng nagtitinda. Pakiramdam ni Huiquan ay makapangyarihan siya, tulad ng misteryosong matanda na naglalako ng minatamisan na nakatayo sa harap ng Eastbridge Department Store, sa dinaraanan mismo ng hangin, ilang oras na walang imik, walang kibot. May mga kostumer siya – hindi marami, kaunti – ngunit hindi na matagalan ni Huiquan na panoorin siya, alam niyang maaari siyang sigawan nito kapag nagpatuloy pa siya.
“Sapatos na tatak-Perfection mula sa Shenzhen free economic zone. Sapatos, tatak-perfection, gawa sa Shenzen…”
Nagulat ang mga naglalakad sa sigaw niyang ito. Narinig na niya ang ganitong pagtawag sa Gate ng Silangang Tsina at sa Bukanang Gate, ngunit hindi niya alam kung kaya niya ang ganito. Mahirap, sa isip niya; hindi niya kaya. Ngayon, alam na niyang mali siya sa pagtantya sa sarili.
“Mga blusang Batwing! Halikayo rito ! Tingnan ninyo !”
Sa pagkakataong ito, napakasama ng tunog, ngunit tila walang nagulat. Ilan pang segundo, nasanay na ang mga mamimili sa kaniyang kakaibang sigaw. Maipagkakamaling galing sa aso o sa kotse, at hindi pa rin papansinin ng mga namimili.
“Mga blusang Batwing! Seksi, seksi, seksi, mga babae!”
Kung makasisigaw lang talaga siya ng kung anong malaswa para mapansin. Buong araw, binantayan niya ang kaniyang tindahan, mula umaga hanggang oras ng hapunan, ngunit wala siyang nabenta, isa man lang panlamig na angora o isang pares ng sapatos kaya -- wala maliban sa dalawampung angora. Kahit iyon lang, ang may katandaang babae sa kaniyang kanan ay naiingit, dahil gayong mas matagal na ito rito, naibenta lamang nito ay pares ng medyas at dalawang panyo.
Ang tindahan sa kaliwa ay binabantayan ng isang lalaking dadalawampuin na muntik nang mapaaway sa isang kostumer dahil sa isang jaket na balat. Ang sabi ng kostumer, iyon ay imitasyon; ipinilit ng tindero na tunay iyong balat. Kinusot iyon ng kostumer at iginiit na imitasyon iyon mula sa ibang bansa. Naubos na ang pasensya ng tindero. Alam ni Huiquan na tunay iyong balat, ngunit hindi siya nakihalo sa gulo. Walang dahilan para sumangkot. Nang ang lalaki ay nag-alok sa kanya ng sigarilyo, tumanggi siya. At siya naman ang nagsindi, di niya pinansin ang lalaki. Wala siyang balak na mapalapit kaninuman. Kailangang mag-ingat kapag sangkot ang ibang tao.
Siya ang huli sa hanay ng mga tindahan na nagsara ng araw na iyon. Alas nuwebe na, kalahating oras matapos magsara ang department store. Madilim ang paradahan, halos walang nagawa ang mga ilaw sa kalye; wala nang kostumer sa gabi. Nagsasara na rin ang tindahan sa tapat, na binabantayan ng dalawang lalaki, ngunit kahit gabing-gabi pa, parang ayaw pa nilang tapusin ang araw; may lungkot at panghihinayang sa kanilang tinig.
“Medyas na nylon, pasara na ! Otsenta sentimos ang isang pares … otsenta sentimos isang pares ! Paubos na ang medyas na nylon. Huling tawag ! Medyas na nylon …
Dumaan ang kanilang sasakyan sa gilid ng kalye patungo sa daan, sa direksyon ng tore ng pamilyang Hu. Pumedal ang isang tindero samantalang ang isa ay nakaluhod sa sasakyan at iwinawagayway ang isang pares ng medyas na nylon. Sandali lang ang kanilang lungkot na mabilis na pinalitan ng pambihirang tuwa. Ang kanilang mga tinig – isang mataas, isang mahina – ay iginala ng hangin sa gabi.
Sa sumunod na araw, nakabenta siya ng muffler.
Sa ikatlong araw, wala siyang naitinda.
Sa ikaapat na araw, wala pang kalahating oras pagkabukas niya ng tindahan, nakapagbenta siya ng kasuotang pang-army sa apat na karpintero na kababalik lamang sa Beijing mula sa timog. Pagkagaling sa Estasyon ng Beijing, tumungo sila sa hardware sa tore ng pamilyang Hu, at nang marating nila ang Silangang-tulay, nagkulay talong ang kanilang labi dahil sa lamig. Naligtas ang kanilang mga balat ng kasuotang panlamig ni Huiquan, at ang kanilang pera ay mabilis niyang isinilid sa kaniyang bulsa. Bago siya nakapagtinda, matamlay niyang hinarap ang negosyo, ngunit nagbigay ng inspirasyon ang pagbili ng mga karpintero. Tiyaga ang susi para sa isang buhay na matatag. Kahit sa pinakamalalang panahon, walang ibubunga ang mawalan ng pag-asa. Mas mabuting maghintay kaysa sa umayaw, dahil walang makaaalam kung kalian kakatok ang oportunidad, Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka, hindi ba ? Nag-iisip si Huiquan.

Mula sa Raya : Pagbasa at
Pagpapahalagang Pampanitikan
sa Filipino ni Aurelio S.
Agcaoli,2005
Tuesday, September 30, 2014
Aralin 2.3
Pagbibigay Kapangyarihan sa Kababaihang
Pilipino sa Pamamagitan ng Estadistikang Kasarian
“Babae, pasakop kayo sa inyu-inyong
asawa.” Isang pahayag na hinango sa Bibliya at naging panuntunan ng balana dito
sa daigdig sa lahat ng panahon.
Lahat ng bagay ay nagbabago kaya nga
walang permanente dito sa mundo.
Ang dating kimi at tagasunod lamang ay
natutong tumutol laban sa karahasan sapagkat hindi na matanggap ang dinaranas
na kaapihan. Kanyang ipinaglaban ang sariling karapatan upang makapagpasiya sa
sarili. Lakas-loob din niyang hiningi ang karapatang maisatinig ang matagal
nang nahimbing na pagnanasang maging katuwang hindi lamang sa tahanan kundi
maging sa paghubog ng lipunan para sa isang maunlad, matahimik at kaaya-ayang
kinabukasan.
Sa ngayon, ang mga kababaihan ay
unti-unting na ring napahalagahan. Di man ito maituturing na ganap dahil sa
patuloy na mga karahasang pantahanan na pawang mga kababaihan ang nagiging
biktima, idagdag pa ang sexual harassment na araw-araw ay daing ng mga di-mabilang
na kababaihan na nadaragdag sa mga suliraning pambasa.
Ang babae ay katuwang sa pamumuhay. Hindi
sila katulong na tagasunod sa lahat ng mga pinag-uutos ng ilang nag-aastang
“Panginoon”. Sila’y karamay sa suliranin at kaagapay sa mga pagkakataong
dumarating ang mga pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat miyembro ng
pamilya.
Marami na ring samahan ang itinatag upang
mangalaga at magbigay-proteksyon sa mga kababaihan. Ilan sa mga ito ay Gabriela, Tigil-Bugbog Hotline at
marami pang iba. Patuloy ang mga samahang ito sa pakikibaka upang sugpuin nang
tuluyan ang patuloy na pagpapakita ng diskriminasyon at sa pagitan ng
kalalakihan at kababaihan. Layunin nilang
mabigyan ng edukasyon at magkaroon ng kamulatan ang mga kababaihan sa mga
karapatang dapat nilang ipakipaglaban.
Tunay na ang mga kababaihan ay hindi
lamang kasama kundi kabahagi sa pagpapaunlad ng bayan sa kinabukasan sa lahat
ng panahon.
Saturday, September 27, 2014
Ang Paborito kong guro
Simula
Elementarya hanggang sa pagtungtong ko sa Hayskul, marami na akong
nakasalamuhang mga Guro, ang iba ay nakilala ko dahil sa aking mga
organisasyong sinalihan at iba naman ay naging patnugot ng aking klase. Ngunit
sa lahat ng iyon, may katangi-tanging Guro na tumatak talaga sa akin .
Siya ay isa sa
pinakamatalinong Guro ng Agham sa Mambugan National High School, at kama-kailan
ay nakasama sa top-12 Well-Loved Teacher ng taon.
Siya si Mr. Fernando
P. Timbal, gurong taga-patnugot ng 8-Aristotle ngayon at ng 8-Tipulo noong
nakaraang taon.
Sa aming pagsasama,
marami siyang naituro sa amin, hindi lamang sa Akademiko ngunit maging sa
pagiging isang tao.
Masungit man siya
para sa iba, ngunit sa aming mga naging estudyante niya, siya ay mabait at
suportadong Guro. Sinisiguro nya na ang lahat ay nakakasabay sa paraan nya sa
pagtuturo. Binibigyan nya ng pagkakataon ang mga tahimik upang makiisa sa
Talakayan. Halos lahat ng mga kompetisyong amin sinasalihan, nariyan siya upang
suportahan kami at magbigay ng mga possible naming isagawa upang mapaganda ang
aming mga gagawin.
Sa kanyang pagiging
Strikto, lahat ay dapat na pumasok ng maaga at magpasa ng mga proyekto sa
takdang oras. Minsan kapag kami ay kanyang pinagsasabihan, sasabihin nya na sa
mga oras naiyon ay hindi siya galit, upang mapawi lamang ang pagkatakot at
pagkalungkot ng lahat.
Ang ilang Buwan na
aming pagsasama ay lubos na nagb igay sa akin ng mga leksyon, mula sa aking
naging pagakakamali na kanyang itinatama. Magsisilbi siyang inspirasyon para sa
aming mga estudyante niya, sa aming pag-aaral at pagharap sa bawat problema na
dadating pa sa aming buhay.
Lubos po naming
ipinapasalamt na naging bahagi po kayo n gaming buhay, Ginoong Fernando P.
Timbal.
Maligayang Araw ng mga Guro po sa inyo.
Friday, September 26, 2014
Dalagang Pilipina
Ang
dalagang Pilipina
Parang tala sa umaga
Kung tanawin ay nakaliligaya
May ningning na tangi at dakilang ganda
Bulaklak na tanging marilag
Ang bango ay humahalimuyak
Sa mundo'y dakilang panghiyas
Pang-aliw sa pusong may hirap
Batis ng ligaya at galak
Hantungan ng madlang pangarap
Ganyan ang dalagang Pilipina
Karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta
(Maging sa ugali, maging kumilos, mayumi,
mahinhin, mabini ang lahat ng ayos
Malinis ang puso maging sa pag-irog
may tibay at tining ng loob.

Ang Kababaihan ng Taiwan, ngayon at noong
nakaraang 50 taon
isinalin ni
seila c. Molina
Ang bilang ng populasyon ng kababaihan sa
mundo ay 51% o 2% na mataas kaysa kalalakihan. Maaaring
isipin ng ilan na ang kababaihan ay nakakukuha ng parehong pagkakataon at
karapatan gaya ng kalalakihan. Ilang kababaihan lamang sa buong mundo ang
nakakakuha ng pantay na karapatan at paggalang tulad sa kalalakihan. Ang
tungkulin at kalagayan ng kababaihan ay unti- unting nagbabago sa nakalipas na 50 taon. Ito ay makikita sa dalawang kalagayan : una ang pagpapalit
ng gampanin ng kababaihan at ang ikalawa ay ang pag-unlad ng kanilang karapatan
at kalagayan. Nakikita ito sa Taiwan.
Ang unang kalagayan noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa Taiwan
ay katulad sa kasambahay o housekeeper. Ang tanging tungkulin nila ay
tapusin ang hindi mahahalagang gawaing-bahay na hindi natapos ng kanilang
asawa. Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang
mababang kalagayan sa tahanan.
Ngayon,
nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay
lalong naging komplikado. Sa bahay ng mga
Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay. Ngunit
sa larangan ng trabaho, inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng
kalalakihan. Sa madaling salita, dalawang mabibigat
na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat.
Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod,
pagkakataong makapag-aral, at mga batas na nangangalaga sa kanila.
Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay ng halaga sa kakayahan ng
babae at ang mga kinauukulan ay handang kumuha ng mga babaeng may
kakayahan at masuwelduhan ng mataas. Tumataas ang pagkakataon na umangat
ang babae sa isang kumpanya at nakikita na ring may mga babaing namamahala.
Isa pa, tumaas ang pagkakataon para sa mga babae pagdating sa edukasyon.
Ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno, higit na mataas ang bilang ng
mga babaing nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang
50 taon. At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas
para sa pangangalaga sa kababaihan ay nakikita na rin. Halimbawa, sa
Accton Inc., isa sa nangungunang networking hardware manufacturer sa Taiwan,
ginawa nang isang taon ang maternity leave sa halip na 3 buwan lamang.
Ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa na ng batas sa pagkakaroon ng pantay
na karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang kababaihan. Bilang
pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung
ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na
ng pansin. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay
tumatanggap na ng pantay na posisyon at pangangalaga sa lipunan.
Mayroon pa ring mga kompanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga
babaing lider nito.
Marami pa
ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa
tahanan. Ito ay matuwid pa rin sa kanila. Marami pa ring dapat
magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa
na makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan.
Aralin 2.2
Nagkamali ng utos
Sa
malayong kaharian ng mga tutubi ay may naninirahang isang prinsesang tutubi.
Siya’y bugtong na anak nina Haring Tubino at Reyna Tubina ng kahariang
Matutubina. Mahal na mahal ng hari at reyna ang anak nila. Sinasabing
ipaglalaban ng buong kaharian ang anumang kaapihan ni Prinsesa Tutubi.
Si Prinsesa Tutubi ay mahilig mamasyal at magpalipad-lipad sa papawirin. Lagi niyang kasa-kasama ang kaniyang mga piling dama at mga tagasubaybay na mangyari pa ay pawang tutubi rin.
Isang araw, naisipan niyang lumipad patungo sa labas ng kaharian. Ibig niyang alamin kung ano ang daigdig sa labas ng kanilang kaharian. Tumakas siya sa kaniyang mga dama at tagasubaybay. Mag-isa niyang nilakbay ang malawak na papawirin.
Maligayang-maligaya si Prinsesa Tutubi. Umaawit-awit pa siya sa kaniyang paglipad. Wiling-wili siya sa lahat ng kaniyang nakikita. Totoong naibang si Prinsesa Tutubi at hindi niya napansin ang pamumuo ng maitim na ulap sa papawirin.
Huli na nang ito ay mapuna ni Prinsesa Tutubi. Mabilis man siyang lumipad pabalik sa kaharian ay inabutan din siya ng malakas na ulan.
“Titigil muna ako sa punongkahoy na ito,” ang sabi sa sarili ng prinsesa.
Ngunit sa punongkahoy pala naman iyon ay maraming mga matsing. Pinaalis nilang pilit ang nakikisilong na tutubi. Bawat dapuang sanga ni Prinsesa Tutubi ay niyuyugyog ng mga matsing. Hindi lamang iyon. Pinagtawanan pa nila ang prinsesa.
“Kra-kra-kra! Nakakatawa. Malaki pa sa kaniyang tuhod ang kaniyang mga mata.” Malakas na na sabi ng isa. Sinundan ito ng malakas na hagikgikan ng mga matsing.
Sa laki ng galit ng Prinsesa Tutubi umuulan pa ay umalis na siya sa punongkahoy na iyon at lumipad pauwi sa palasyo. Tuloy-tuloy siya sa silid ng kaniyang amang hari. Kaniyang isinumbong kay Haring Tubino ang mga matsing. Laking galit ng hari. Nagpatawag agad ang hari ng kawal.
“Pumunta ka ngayon din sa kaharian ng mga matsing,” ang utos niya sa kawal. “Sabihin mong dahil sa ginawa nila sa aking anak na Prinsesa, gusto kong hamunin ang kaharian ng mga matsing sa isang labanan.”
Mabilis na lumipad ang inatasang kawal. Pagdapo niya sa kaharian ng mga mating ay walang paligoy-ligoy niyang sinabi ang kaniyang pakay. Malakas na tawanan ng mga matsing ang nagging sagot sa pahayag ng kawal na tutubi.
“Mga tutubi laban sa mga matsing! Ha-ha-ha-ha!” Muling nagtawanan ang mga matsing. “Nakakatawa , ngunit pagbibigyan naming anginyong hari,” ang sabi ng pinuno. “Ang mga mating laban sa mga tutubi!” Nagtawang muli ang mga matsing.
“Kailan at saan gaganapin ang labanan?” ang tanong ng pinuno.
“Bukas ng umaga sa gitna ng parang!” ang tugon ng kawal.
“Magaling! Bukas ng umaga sa gitna ng parang kung gayon,” masiglang pag-ulit ng matsing sa sinabi ng tutubi.
Bumalik sa kanilang kaharian ang kawal a tutubi at ibinalita sa Haring Tubino ang nagging katugunan ng mga matsing.
Kinabukasan naroroon na sa isang panig ng parang ang hukbo ng mga matsing. Anong daming matsing. Waring ang buong kamatsingan ay naroroon at pawing sandatahan. Bawat isa ay may dalang putol na kahoy na pamukpok.
Nasa kabilang panig naman ng parang ang makapal na hukbo ng mga manlilipad na tutubi.
“Kailangang pukpukin ninyo ang bawat makitang tutubi,” ang malakas na utos ng haring matsing.
Sa kabilang dako naman ay ibinigay na rin ng pinuno ng mga tutubi ang kaniyang utos. “Dapat nating ipaghiganti ang kaapihan ni Prinsesa Tutubi.
Kailangang magbayad ang mga matsing. “Dumapo sa ulo ng mga matsing. Kapag may panganib ay dagling luang malinaw at marahan niyang utos.
Nagsalubong sa gitna ng parang ang mga manlilipad na tutubat ang hukbo ng sandatahang matsing. Buong-buo ang pagtitiwala ng mga sandatahang matsing sa kanilang sandatang pamukpok. Matapang din naming sumunod ang mga kawal na tutubi palibhasa ay nais nilang ipaghiganti ang kaapihan ng prinsesa at ng buong kahariang Matutubina.
Nagsimula ang labanan. Dapo at lipad, dapo at lipad ang mga tutubi. Pukpok dito, pukpok doon naman ang mga matsing. Kung tatanawin buhat sa malayo ang labanan, ay wari bang matsing laban sa matsing. Nakita ng pinuno ng mga matsing ang pangyayari. Nagkamali siya ng utos. Hindi nalaman agad na sa ulo pala ng kaniyang mga kawal darapo ang maliliksing tutubi. Babaguhin sana niya ang kanyang utos, subalit huli na ang lahat. Isang kawal na matsing ang pilit na pinukpok pa ang tutubi sa ulo ng pinunong matsing. Kayat nang matapos ang labanan nakabulagtang lahat ang mga matsing. Samantala, walang sinumang tinamaan sa mga mabilis umiwas at lumipad na mga tutubi. Naipaghiganti nila ang pagkaapi ng kanilang prinsesa at ng buong kahariang Matutubina.

Subscribe to:
Posts (Atom)