Ang Paborito kong guro
Simula
Elementarya hanggang sa pagtungtong ko sa Hayskul, marami na akong
nakasalamuhang mga Guro, ang iba ay nakilala ko dahil sa aking mga
organisasyong sinalihan at iba naman ay naging patnugot ng aking klase. Ngunit
sa lahat ng iyon, may katangi-tanging Guro na tumatak talaga sa akin .
Siya ay isa sa
pinakamatalinong Guro ng Agham sa Mambugan National High School, at kama-kailan
ay nakasama sa top-12 Well-Loved Teacher ng taon.
Siya si Mr. Fernando
P. Timbal, gurong taga-patnugot ng 8-Aristotle ngayon at ng 8-Tipulo noong
nakaraang taon.
Sa aming pagsasama,
marami siyang naituro sa amin, hindi lamang sa Akademiko ngunit maging sa
pagiging isang tao.
Masungit man siya
para sa iba, ngunit sa aming mga naging estudyante niya, siya ay mabait at
suportadong Guro. Sinisiguro nya na ang lahat ay nakakasabay sa paraan nya sa
pagtuturo. Binibigyan nya ng pagkakataon ang mga tahimik upang makiisa sa
Talakayan. Halos lahat ng mga kompetisyong amin sinasalihan, nariyan siya upang
suportahan kami at magbigay ng mga possible naming isagawa upang mapaganda ang
aming mga gagawin.
Sa kanyang pagiging
Strikto, lahat ay dapat na pumasok ng maaga at magpasa ng mga proyekto sa
takdang oras. Minsan kapag kami ay kanyang pinagsasabihan, sasabihin nya na sa
mga oras naiyon ay hindi siya galit, upang mapawi lamang ang pagkatakot at
pagkalungkot ng lahat.
Ang ilang Buwan na
aming pagsasama ay lubos na nagb igay sa akin ng mga leksyon, mula sa aking
naging pagakakamali na kanyang itinatama. Magsisilbi siyang inspirasyon para sa
aming mga estudyante niya, sa aming pag-aaral at pagharap sa bawat problema na
dadating pa sa aming buhay.
Lubos po naming
ipinapasalamt na naging bahagi po kayo n gaming buhay, Ginoong Fernando P.
Timbal.
Maligayang Araw ng mga Guro po sa inyo.
Maraming salamat.
ReplyDeletewalang anuman po :D
ReplyDelete