Friday, November 14, 2014

Ikalawang Linggo

Balik-Aral

   Ikalawang linggo para sa ikatlong markahan. Wala ang aming guro na si Gng. Mixto sa kadahilanang mayroon syang dapat na asikasuhin kungkaya't si Bb. Basbas ang itinalagang mag turo sa kanyang mga klase, ngunit dahil si Bb. Basbas ay may masamang pakiramdam sa araw na iyon, ang aming kaklase na si Trixie Usa ang pansamantalang naging guro o STUDENT TEACHER upang sagayon ay hindi kami mahuli sa mga aralin.
      Sa linggong ito, sinimulan na namin ang talakayan para sa panibago nanamang aralin, ang PAGHAHAMBING. Ang paghahambing ay ginagamit upang malaman ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bagay na pinaghahambingan. Upang mapalawak, inalam rin namin ang mga uri nito.
      Sinubukan ang aming mga natutunan nang binigyan kami ng gawain.

No comments:

Post a Comment