Sunday, October 26, 2014

Takdang Aralin # 1

“Katabi sa Upuan, Katabi sa pangangailangan.”
       Sa mahigit tatlompung buwan kong pamamalagi sa loob ng paaralan, simula ng ako’y nasa ikapito baitang  hanggang ngayong sa  pagtungtong ko sa ika siyam na baitang, siguro hindi ko na mabilang ang aking mga naging kaibigan. Napakarami man nila, ngunit may mas namumukod tangi.
       Parang sa bawat asignatura , may iba’t iba kaming Sitting Arrangement o yung ayos ng aming mga upuan. Pag sinabi ng aming Guro na pagbabasihan daw sa Alphabetical Order, naku parang kilala ko na ang aking magiging katabi. Si ate Jennica Legados. Siya ang aking katabi sa upuan sa Asignaturang Filipino (lagi naman) at napakasuwerte ko dahil doon. Paano ko nasabi? Marahil dahil sa tuwing may mga pagsusulit, siya ang lagi kong napagtatanungan lalo na’t pag ilang araw akong hindi nakapasok sa aking klase dahil sa mga iba pang kadahilanan. Lugi naman siya kung wala akong maitutulong sa kanya, ,siyempre meron rin naman siyang benepisiyo sa akin. 
        Siyempre kapag ako naman ay may problema na hindi ko malutas-lutas, nariyan siya upang tumulong at umagapay. 
        Takdang Aralin namin ay ang ilarawan ang aming katabi ngunit sa isinulat kong ito ay hindi pa lubos na nailarawan ang kabuuan kung kaya’t bilang karagdagan, ilalarawan ko siya bilang isang mabait, masiyahin, matalino, simple sa lahat, mapamaraan, at makadiyos na kaibigan. Si ate Jennica na aking kaibigan.


           


            


No comments:

Post a Comment