Ngayong linggo , bagaman tapos na ang aming
pagsusulit, amin paring tinalakay ang mga kabanatang mga kaugnayan kay Maria
Clara. Dahil ang linggong ito ay nakapokus lamang kay Maria Clara, aming sinuri
ang naging pagiibigan nila ni Crisostomo Ibarra sa loob ng nobela sa
pamamagitan ng isang pangkatang gawain. Ang aking pangkat (Pangkat 3) ang bukod
tangi sa lahat sapagkat kami lamang ang nagsagawa ng isang Debate kumpara sa
iba na nagduladulaan. Pagkatapos, Nagkaroon muli kami ng pangakatang gawain ang bawat grupo,
kungsaan may mga ibang grupo ay kinakailangang lumikha ng isang awitin,
poster, slogan, at tula. Ang aming Grupo ay naatasang gumawa ng isang Tula.
Bilang patunay, narito ang isang larawan ng nagawa naming gawain.
Bilang takdang aralin, kami ay naatasang gumawa ng
isang kuwentong nagpapakita ng malakas at matapang na ugali ni Maria Clara.
No comments:
Post a Comment