Karanasan sa ika-Siyam na baitang
Iba na talaga ang Corriculum natin ngayon no?
Ang lagi kong wika sa tuwing may mga
proyekto o takdang aralin na sa ami’y naiatas ng aming mga guro sa lahat ng asignatura.
Movie Trailer, Short Film, Video Presentation, at Documentary, ilan lamang iyan
sa aming mga naging proyektong masasabi mong buwis buhay. Sabi nga ng iba kong
mga kaklase “Baka
pagkatapos nito, maging Artista na kame”. Wala e, naabutan kasi ng K-12. Maghapon lahat
sa paaralan para sa pagshoo-shooting, at ang iba na gaya ko na laging inaasahan
sa page-edit ay dadating sa bahay ng pagod na pagod, mag papahinga ng saglit,
at pagkatapos ay uupo sa harapan ng Kompyuter para isang magdamagang page-edit .
Wala sa bokabularyo namin ang “Pakampante” kung may
dapat nkang ipapasa kinabukasan ay dapat mo iyang pagpuyatan. At nang matapos
mo na ang lahat ng iyon, napaka sarap sa pakiramdam lalo na’t kapag nakatanggap
ka ng mga magagandang komento mula sa iyong mga guro.
Sa aking pagtungtong ng ika siyam na baitang,
dito ko rin unang maranasang humawak ng rolling pin, measuring spoon, mixing
bowl at baking pan para sa pagbe-bake ng kung ano-ano para sa asignatura naming
TLE. Hindi man kagandahan, hindi man kasarapan ngunit nakakakuha parin kami ng mataas
na gradong mula sa mga gurong aming pinatitikman. “May
pamilya rin akong nagugutom!”
ang wika ng lahat kapag may mahihingi sa natira nilang gawa. Masaya ang mag
bake lalo na kapag may natutunan ka. Minsan nga hanggang sa bahay ay nagagawa
kong magbake, masaya kasi talaga.
Siyempre, bukod sa mga iyon, isa rin sa
mga hindi ko makakalimutan ay ang mga Extra Curricular Activities na aking
sinalihan. Una ang SSG. Ang SSG (Supreme
Student Government) ay ang pinaka mataas na organisasyon sa lahat ng paaralan.
Sa mga program na idinaraos sa paaralan ay nadun kaming mga SSG upang
magbantay, dito ko mas nahubog ang kompiyansa ko sa akin sarili. Sa pagtatapos
ng aking termino ng pagiging SSG ay sinubukan ko muling tumakbo para sa isa pa
muling termino, at sa hindi inaasahang pagkakataon ay ako muli ay nagwagi para
naman sa posisyong Auditor. Sunod naman ay ang Stentor. Dito naman ay mas
nalinang pa ang aking talent sa pagguhit at maging sa pagsulat. Nang nagkaroon
ng SPC (School Press Conference) sa aking paaralan, Unang pumasok sa isipan ko na
parang wala akong pagasa na manalo roon sapagkat wala pa akong karanasan sa
pagsulat sa diyaryo. Ngunit ng malaman ko na ako pala’y nanalo ng ikalawang
puwesto sa News Writing (Pagsulat ng Balita) at unang puwesto para sa Editorial
Cartooning ay lubos ang aking kaligayahan. Nang dumating naman ang araw para sa
DSPC (Division Schools Press Conference), kungsaan ang lahat ng paaralan sa
Antipolo ay maglalabanlaban sa ibat
ibang kategorya upang manalo at magrepresenta sa dadating na RSPC. Kinakabahan
ako sa mga panahong iyon lalo na noong makita ko ang mga estudyante na mukha
talagang matatalino. Nang i-announce na ang mga nagsiwagi sa lahat ng mga
kategorya, hindi na ako nagasam na manalo, ngunit sa hindi inaasahang
pagkakataon, ako’y muling nagwagi. Sa higit na 100 mga manunulat ay isa ako sa
napalad na makabilang sa top 7 sa kategoryang News Writing.
Ilan lamang ang mga ito sa aking mga naging
karanasan sa buong taon. At sa buong taon ng aking pagaaral ay masasabi ko na ito
na ata ang pinaka “Highlight” ng aking buhay
estudyante sa buong buhay ko na kungsaan hanggang sa pagtanda ko ay hinding hindi
ko makakalimutan