Balik-Aral
Ang
aming guro na si Gng. Mixto ay muli ng nagbalik mula sa isang linggo seminar ng
mga tagapayo ng publikasiyon sa bawat paaralan.
Sa kaniyang pagbalik, muli naming binalikan ang aralin patungkol sa
paghahambing. Bagaman amin na itong napagaralan, amin parin itong tinalakay
para sa ilan pang karagdagan mula sa aming guro. Upang subukin ang aming
natutunan ukol rito, nagsagawa kami ng pagsasanay kungsaan kailangan namin
bumuo ng pangungusap gamit ang mga salitang naglalarawan.
Pagkatapos ng talakayan sa paghahambing,
amin muling sinariwa ang kuwento nina Rama at Sita. Nagbigay ng ilang
katanungan si Gng. Mixto kaugnay rito. Halos lahat ng aking kaklase ay
nakarelate sa mga tanong , marahil meron na silang karansan sa mga iyon.