Friday, March 20, 2015

Si Mam
      Unang hakbang pa lamang niya sa silid-aralan, ang lahat ay paniguradong mananahimik. Kapag klase niya, klase niya, ayaw ni mam na may ginagawa kaming iba na walang kinalaman sa kaniyang asignatura. Strikto si mam, ayaw niyang may magsasalita sa amin ng wikang ingles lalo na sa tuwing kami ay mag sasalita o maguulat sa harapan.
      Sa Buong taon, bilang lang ata ang aking pagrerecite .Dahil sa ako’y laging kinakabahan sa tuwing siya’y nag tuturo, Kahit alam ko ang sagot sa kaniyang katanungan ay nawawalan ako ng lakas na loob upang ipahayag ang aking kaalaman .
      Ngunit sa buong taong aming naging pagsasama, nakita ko na  napakabait niyang guro, kaibigan, at ina. Bukod dun ay nakita ko na may pagkaisip bata rin pala si Mam. Mahilig siya sa mga Anime series na pang 90’s gaya ko na kahit hindi ko na naabutan . Magaling si Mam makitungo sa lahat ng taong nakapalibot sa kaniya maging sa aming mga estudyante. Sa kaniyang pagtuturo ay laging may halong pagpapatawa kaya’t nagkakaroon kami ng interes sa kaniyang klase.
      Maswerte ako na naging guro ko siya at sigurado ganoon rin ang mga susunod pang magiging estudyante niya.

Karanasan sa ika-Siyam na baitang
      Iba na talaga ang Corriculum natin ngayon no?
      Ang lagi kong wika sa tuwing may mga proyekto o takdang aralin na sa ami’y naiatas ng aming mga guro sa lahat ng asignatura. Movie Trailer, Short Film, Video Presentation, at Documentary, ilan lamang iyan sa aming mga naging proyektong masasabi mong buwis buhay. Sabi nga ng iba kong mga kaklase Baka pagkatapos nito, maging Artista na kame. Wala e, naabutan kasi ng K-12. Maghapon lahat sa paaralan para sa pagshoo-shooting, at ang iba na gaya ko na laging inaasahan sa page-edit ay dadating sa bahay ng pagod na pagod, mag papahinga ng saglit, at pagkatapos ay uupo sa harapan ng Kompyuter para isang magdamagang page-edit . Wala sa bokabularyo namin ang Pakampante kung may dapat nkang ipapasa kinabukasan ay dapat mo iyang pagpuyatan. At nang matapos mo na ang lahat ng iyon, napaka sarap sa pakiramdam lalo na’t kapag nakatanggap ka ng mga magagandang komento mula sa iyong mga guro.
      Sa aking pagtungtong ng ika siyam na baitang, dito ko rin unang maranasang humawak ng rolling pin, measuring spoon, mixing bowl at baking pan para sa pagbe-bake ng kung ano-ano para sa asignatura naming TLE. Hindi man kagandahan, hindi man kasarapan ngunit nakakakuha parin kami ng mataas na gradong mula sa mga gurong aming pinatitikman. May pamilya rin akong nagugutom! ang wika ng lahat kapag may mahihingi sa natira nilang gawa. Masaya ang mag bake lalo na kapag may natutunan ka. Minsan nga hanggang sa bahay ay nagagawa kong magbake, masaya kasi talaga.
      Siyempre, bukod sa mga iyon, isa rin sa mga hindi ko makakalimutan ay ang mga Extra Curricular Activities na aking sinalihan. Una ang SSG. Ang  SSG (Supreme Student Government) ay ang pinaka mataas na organisasyon sa lahat ng paaralan. Sa mga program na idinaraos sa paaralan ay nadun kaming mga SSG upang magbantay, dito ko mas nahubog ang kompiyansa ko sa akin sarili. Sa pagtatapos ng aking termino ng pagiging SSG ay sinubukan ko muling tumakbo para sa isa pa muling termino, at sa hindi inaasahang pagkakataon ay ako muli ay nagwagi para naman sa posisyong Auditor. Sunod naman ay ang Stentor. Dito naman ay mas nalinang pa ang aking talent sa pagguhit at maging sa pagsulat. Nang nagkaroon ng SPC (School Press Conference) sa aking paaralan, Unang pumasok sa isipan ko na parang wala akong pagasa na manalo roon sapagkat wala pa akong karanasan sa pagsulat sa diyaryo. Ngunit ng malaman ko na ako pala’y nanalo ng ikalawang puwesto sa News Writing (Pagsulat ng Balita) at unang puwesto para sa Editorial Cartooning ay lubos ang aking kaligayahan. Nang dumating naman ang araw para sa DSPC (Division Schools Press Conference), kungsaan ang lahat ng paaralan sa Antipolo ay  maglalabanlaban sa ibat ibang kategorya upang manalo at magrepresenta sa dadating na RSPC. Kinakabahan ako sa mga panahong iyon lalo na noong makita ko ang mga estudyante na mukha talagang matatalino. Nang i-announce na ang mga nagsiwagi sa lahat ng mga kategorya, hindi na ako nagasam na manalo, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ako’y muling nagwagi. Sa higit na 100 mga manunulat ay isa ako sa napalad na makabilang sa top 7 sa kategoryang News Writing.

      Ilan lamang ang mga ito sa aking mga naging karanasan sa buong taon. At sa buong taon ng aking pagaaral ay masasabi ko na ito na ata ang pinaka Highlight ng aking buhay estudyante sa buong buhay ko na kungsaan hanggang sa pagtanda ko ay hinding hindi ko makakalimutan

K-12

Pilipinas, Game KNB?
      Sa buong Asya, tanging ang Pilipinas na lamang ang gumagamit ng lumang curriculum (6 na taon sa Elementarya at 4 na taon sa Hayskul). Dahil dito, napagiiwanan na ang ating bansa sa usaping edukasyon. Upang bigyang solusyunan, isinulong na ng ating pamahalaan kaakibat ang Kagawaran ng Edukasyon ang K-12 Curriculum, kungsaan ang isang bata ay kinakailangan sumailalim sa anim na taong pagaaral sa Elementarya, at pagkatapos ay 4 na taon para sa Junior High School (JHS) at karagdagang 2 taon para sa Senior High School (SHS).
      Ang K-12 ay naglalayong ihanda ang bawat magaaral sa mundo ng paggawa sapagkat pagkatapos ang labing dalawang pagaaral ay pinahihintulutan na silang magtrabaho at huwag munang tumuloy sa pagkokolehiyo.
      May mga ilan ang natuwa at sumang-ayon sa ipinatupad na ito ngunit mas higit ang bahagdan ng mga tao na may negatibong reaksyon sapagkat isang mabigat lamang na pasanin ang dalawang karagdagang taon sa pagtutustos nila sa pagaaral ng kanilang mga anak.
      Bagsak ang ekonomiya ng bansa kung kaya’t hindi na nito kayang tugunan ang mga pangangailangan ng mga Pilipino, paano pa ang K-12. Karagdagang taon, karagdagang mga pasilidad rin para sa mga paaralang magsasagawa ng Senior High School at dahil hindi pa handa ang bansa, saan kukuha ng pera para sa pagpapagawa ng mg gusali?

      Maganda naman ang hangarin ng k-12 para sa atin ngunit kung hindi pa handa ang lahat para dito, sa halip na umunlad ng tuluyan ang ating bansa maaaring dumagdag pa ito sa mga problema na hanggang ngayo’y hindi pa malutas-lutas.

Sunday, March 15, 2015

Ika Siyam na Linggo

Ngayong linggo , bagaman tapos na ang aming pagsusulit, amin paring tinalakay ang mga kabanatang mga kaugnayan kay Maria Clara. Dahil ang linggong ito ay nakapokus lamang kay Maria Clara, aming sinuri ang naging pagiibigan nila ni Crisostomo Ibarra sa loob ng nobela sa pamamagitan ng isang pangkatang gawain. Ang aking pangkat (Pangkat 3) ang bukod tangi sa lahat sapagkat kami lamang ang nagsagawa ng isang Debate kumpara sa iba na nagduladulaan. Pagkatapos, Nagkaroon muli kami  ng pangakatang gawain ang bawat grupo, kungsaan may mga ibang grupo ay  kinakailangang lumikha ng isang awitin, poster, slogan, at tula. Ang aming Grupo ay naatasang gumawa ng isang Tula. Bilang patunay, narito ang isang larawan ng nagawa naming gawain.
Bilang takdang aralin, kami ay naatasang gumawa ng isang kuwentong nagpapakita ng malakas at matapang na ugali ni Maria Clara.




Sunday, March 8, 2015

Saturday, March 7, 2015

Ika-anim na Linggo

Balik-Aral
Ngayong linggo, may mga araw na ako at iba ko pang mga kaklase na kabilang sa pangangampanya para sa SSG ay hindi nakapasok sa aming klase. Pero sa kabila noon, nalaman ko ang kanilang mga naging talakayan.
Sa unang araw ng linggo, batay sa aking mga kaklase, kanilang ipagpatuloy ang naiwang katanungan noong nakaraang linggo at ito ay kung biktima ba si Crisostomo Ibarra ng pagkakataon. Batay sa sarili kong opinyon, tama na si Ibarra ay biktima lamang ng pagkakataon, dahil sa sinasabi sa nobelang  Noli Me Tangere na ang pagtutol ni Padre Damaso sa pagiibigan nina Ibarra at Maria Clara ay sa kadahilanan na ama ni Crisostomo si Don Rafael na lubos nitong kinaiinggitan. Kung hindi naging ama ni Ibarra si Don Rafael, hindi siguro uusbong ang galit ni Padre Damaso sa kanya.
Pagkatapos, sila’y nagsagawa ng isang Mock Trial. Ang aking mga kamag-aral na nag-ala Abogado ay nagbahagi ng kanilang mga tanong dahil bahagi ito sa paglilitis kina Ibarra at Elias sa ginawa nilang pagtakas na ginampanan naman ng mga pili kong kamag-aral. Kasunodnito ang isang pagsusulit na kungsaan kailangang ibigay ang mga kabanata na may kaugnayan kay Crisostomo bilang isang tapat na mangingibig at ang kanyang mga hangarin.

Ikalimang Linggo

Balik-Aral
Ngayong Linggo, aming pang pinalawak ang aming mga kaalaman sa Noli Me Tangere sa pamamagitan ng paguulat ng bawat grupo sa mga kabanatang naiatas sa kanila. Isa-isang iniulat ang mga Kabanata ng bawat miyembro ng apat na grupo, dahil doon mas naintindihan pa namin ng lubusan ang kabuuan ng nobela.

Nang sumapit ang biyernes, amin munang isinantabi ang aming aralin para sa paggawa ng Liham para sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.