Monday, July 7, 2014

Ang Pagbabalik


Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan


Bahagi ng Tulang Elehiya para kay Ram


Ang Kahalagahan ng Alamat
          Ang  Alamat ay nagmulat sa ating mga mata sa mundo ng Imahinasyon upang mas-mapalawak pa ang ating mga kaisipan. Alam natin na ito’y may malaking na-iambag sa atin bilang isang Pilipino dahil sa pagbuo nito sa ating kultura at ang mga aral na ating napupulot dito’y nagsisilbing gabay sa ating pangaraw-araw na Gawain. Napakahalaga talagang mai-ituturing ang Alamat kungkaya’t atin sana itong panatilihing matibay upang sa susunod pang mga Henerasyon.

Ang Alamat ni Prinsesa Manorah

            Ang Alamat na ito’y iba sa aking nakagisnang uri ng alamat, dahil ito’y walang ipinapabatid sa mga pinagmulan ng mga bagay, bagkus ang mga di makatotohanan at mga “Super Natural” na nilalang ay nakapaloob dito. At ang aking tinutukoy na uri na nilalang na iyon ay si Prinsesa Menorah, siya ay isang kalahating Tao at kalahating Sisne (Ibon na may mahabang leeg, sa madaling salita, isang Gangsa).

Sunday, July 6, 2014

Ang Buwang Hugis-suklay

 Ang alamat na ito’y patungkol naman sa isang magsasaka na lumuwas sa kanyang lugar upang mamili ng mga kagamitan. Hiniling ng kaniyang anak na bilhan ito ng kendi habang ang kanyang asawa naman ay isang Suklay na hugis-buwan. Sa kaniyang pagbalik, nagkagulo ang buong mag-anak sa isang Bilog na Salamin na dapat ay isang Suklay. Naiba ito sa aking nabasang akda para sa buong aralin dahil imbes matakot, magtaka, o magulat ang aking maramdaman bagkus ay natawa ako matapos ko itong mabasa.